FlipBooth - The Pinoy Youtube - Free Pinoy 24 TV Videos And Channel Site

The Pinoy Youtube - Free Pinoy 24 TV Videos And Channel Site

Follow us in Twitter Find us in Facebook  



Be the first to test out our newest site: Awitin - Pinoy Musics @ http://www.awitin.com


 

Be Careful with my Heart (ABS-CBN) August 21, 2012

Tags : Careful Heart ABS-CBN

This content requires JavaScript and Macromedia Flash Player 7 or higher. Get Flash

Share Video Flag this video as inappopriate Report BROKEN video


Reason:
Additional Informations:
To (seperate emails by commas)
Personal Message (optional)
Be Careful with my Heart (ABS-CBN) August 21, 2012
FlipBooth's Details
Joined:Jul 19, 2009
Friends:0
by : FlipBooth on Aug 21, 2012
Categories: Pinoy Vids   
Views : 482
Comments :0
Duration: 30:00

Video Description for Be Careful with my Heart (ABS-CBN) August 21, 2012

Be Careful with my Heart (ABS-CBN) August 21, 2012
Brought to you by FlipBooth - The Pinoy Style Youtube

Brought to you by http://www.flipbooth.com - FlipBooth - Free Pinoy 24 TV
Be Careful with my Heart (ABS-CBN) August 21, 2012

Having problems with the video? Read the FAQ.


Comments
Add Comment



News Report:


Glaiza de Castro is clueless about her new Kapuso TV show

Sa pamamagitan ng telepono ay eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza de Castro noong Linggo, April 20.

Kinumusta muna namin ang kanyang Holy Week getaway, kung meron man.

Unang pahayag ng Kapuso star, “Mula Thursday hanggang today, dito lang ako sa bahay kasama mga kapatid ko at parents ko.

“Sinamantala ko na talaga 'yung pagkakataon na bakasyon ako.

“Naglinis ng kuwarto ko, tumulong sa paglinis ng bahay, masaya kasi sama-sama. Pero in a while, sama-sama rin kami pupunta sa Sunday service sa church.”

Ang pamilya nina Glaiza ay born-again Christians.

Dugtong pa niya, “Then tomorrow, pupunta naman kami sa Cavite for our five-day Youth Christian Summer Camp kasama ang kapatid kong si Alchris kasi meron din siyang participation dun.

“Excited ako kasi marami akong magiging experience dun and at the same time, makapag-impart din ako sa ibang participants.

“So, 'yon... masaya.”

Family bonding

Pero bago pa man daw mag-Maundy Thursday ay tatlong araw sila sa Baguio City kasama ang buong angkan ng mga Galura.

Galura ang apelyido ni Glaiza sa totoong buhay.

Halata ang saya sa tono ng aktres. Aniya, “Halos bente 'ata kaming magkakasama.

“Kaya nga kumuha kami ng isang malaking house na nirentahan namin para sama-sama kami.

“Ako bale ang gumawa ng itinerary namin—pumunta sa mga museum ang mga bata, tapos kumain kami sa restaurant na hindi pa namin napuntahan before.

“Enjoy kami dun sa Ketchup Food Community kasi ang sasarap talaga, para siyang Thai food.

“May certain places din na hindi na namin pinuntahan kasi sa dami ng tao, ayaw na naming makipagsabayan.

“'Yung three days na 'yon, sulit na kami dun. Kumbaga, na-accomplish namin 'yung gusto naming mangyari na maging masaya ang mga pamangkin kong bata.”

Career update

Tungkol naman sa TV and movie career niya ang aming pinag-usapan.

Aniya, “Yung indie movie ko na Cattleya: An OFW Story, ang balita ko ay nilalakad ng aming producer na magkaroon ng special screening sa iba't ibang bansa.

“Since tungkol ito sa kuwento ng buhay ng mga OFW (Overseas Filipino workers), gusto nila makita rin nila.

“Yung sa napapabalitang bagong TV show naman, nagugulat nga ako dahil netizens pa ang nauuna sa balita.

“Pero ako, walang alam—wala pa kaming story conference or whatsoever. Kaya ayaw ko munang maniwala.

“May mga binanggit pa nga silang names like si Benjamin Alves na makakasama ko raw, pero as of today, zero... as in zero knowledge ako.

“Sa May daw magsisimula pero wala pa talaga.”

Ang TV shows ni Glaiza sa Kapuso network ay ang Vampire ng Daddy Ko, at ang Sunday musical variety show na Sunday All Stars (SAS).

Ano ang pakiramdam niya na hanggang ngayon ay hindi pa nasusundan ng isang mabigat na teleserye ang Temptation of Wife kung saan nagmarka siya bilang si Heidi?

Kaswal na sagot ni Glaiza, “Actually, nakipag-meeting na kami sa GMA Artist Center, kasama si Tito Manny [Vallester] at nanay ko.

“Nakakatuwa naman na merong proseso. Hindi pa rin talaga natin masasabi ngayon kung ano at kailan, pero definitely ay magkakaroon.

“Kasi nasa kontrata ko at tiwala ako na meron at merong ibibigay talaga,” patuloy pa niya.

Ang talent manager na si Manny Vallester ang tumatayong manager ngayon ni Glaiza matapos mag-expire ang kanyang contract noong nakaraang taon sa DMV Entertainment na pag-aari ni Manny Valera.

Dagdag pa niya, “Turn lang siguro talaga.

“Sa mga ibang artista, maybe time nila ngayon, kasi 'yung iba matagal din namang naghintay.

“Siguro ako, tinuturuan din ako na maging patient, hopeful pa naman ako sa maaaring mangyari.

“Sa ngayon, di naman ako nawawalan kasi meron din akong SAS at 'yung with Bossing (Vic Sotto), kaya okey lang ako.

“Kasi kapag nag-soap ka naman, halos 90 percent ng oras mo ay dun talaga.”

Para sa kanya, may advantages ang wala siyang taping na pinupuntahan sa araw-araw, dahil naaasikaso rin niya ang ilang bagay para sa kanyang sarili.

Saad ng singer-actress, “Okey din naman ako kasi nga, I can still do other things.

“Tulad nga ng business namin kung saan nagkakaroon din ako ng time to improve myself. Dati ay hindi ko magawa ito dahil nagsu-soap opera ako.

“Although sa soap, andun 'yung growth mo as an actress naman—'yon din ang malaking advantage noon.

“Basta, hintayin na lang natin.”

Ang sinasabi ni Glaiza na business ay ang Galura Talent Center na itinayo niya noong isang taon kasama ang kanyang kapatid na si Alchris na isa ring magaling na aktor. —Pep.ph





Buy Ads Directly on this website


Subscribe To FlipBooth
Url
Twitt This Add To Facebook Add To Blinklist Add To Technorati Add To Del.icio.us Digg This Video Add To Reddit Stubmle This Video



Related Videos