FlipBooth - The Pinoy Youtube - Free Pinoy 24 TV Videos And Channel Site

The Pinoy Youtube - Free Pinoy 24 TV Videos And Channel Site

Follow us in Twitter Find us in Facebook  



Be the first to test out our newest site: Awitin - Pinoy Musics @ http://www.awitin.com


 

Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN

Tags : Gandang Gabi Vice - 23 Sep 12

This content requires JavaScript and Macromedia Flash Player 7 or higher. Get Flash

Share Video Flag this video as inappopriate Report BROKEN video


Reason:
Additional Informations:
To (seperate emails by commas)
Personal Message (optional)
Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN
FlipBooth's Details
Joined:Jul 19, 2009
Friends:0
by : FlipBooth on Sep 23, 2012
Categories: Pinoy Vids   
Views : 287
Comments :0
Duration: 30:00

Video Description for Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN

Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN
Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN Brought to you by FlipBooth - The Pinoy Style Youtube

Brought to you by http://www.flipbooth.com - FlipBooth - Free Pinoy 24 TV
Gandang Gabi Vice - 23.Sep.12 courtesy of ABS-CBN

Having problems with the video? Read the FAQ.


Comments
Add Comment



News Report:


Marian Rivera spends Holy Week with Dingdong Dantes in Japan

Ilang araw bago ang Holy Week ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera sa taping ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw sa Bulacan.

Dito ay sinabi ng Kapuso Primetime Queen na hindi pa niya alam kung matutuloy ang bakasyon nila ng boyfriend na si Dingdong Dantes sa ibang bansa.

“Ngayong Holy Week, nagpaplano kami, pero hindi ko pa masabi.

“Kailangan ng visa, e, nag-decide kami ngayon lang.

“E, ako, hindi ko na kailangan kasi Spanish passport ako.

“Si Dong, kailangan pa niya.”

Talaga bang hilig nila ni Dingdong na magplano ng out-of-the country trip na biglaan?

Natatawang sagot ni Marian, “E, alam niyo naman si Dong, mahilig sa ganyan, on the spot.

“Kasi, ang plano lang namin, dito lang sa Manila o kaya sa Batangas lang, relax lang, mag-church lang.

“'Yung talagang mag-relax lang.

“E, sabi niya, ‘Pagod ka.’”

Sabi pa ni Marian, “Siguro naawa siya sa akin na, ‘Hay naku, kailangan mong mag-rest, dire-diretso ang trabaho mo.’

“Ako naman, ‘Hay, sige...’

“E, siya rin, pagbalik naman, ratsada na rin. May Tiktik pa siya, saka taping.”

Noong Miyerkules ng gabi, April 16, nakapalitan namin ng text message sina Marian at Dingdong.

Kinumpirma ng dalawa na matutuloy na silang magbakasyon ng ilang araw sa Japan.

Surprise visit

Kung tutuusin, hindi pa man nagsisimulang mag-taping si Dingdong ng Ang Dalawang Mrs. Real at mag-shooting ng Kubot: The Aswang Chronicles, tila madalang na rin silang magkita dahil binibisita na lang ng aktor si Marian sa taping nito ng Carmela.

Nag-post nga si Marian kamakailan sa Instagram account ng pagbisita ni Dingdong sa kanya sa taping ng Carmela.

Kuwento ng aktres, “Ay, na-surprise talaga ako! Hindi ko inaasahan na pupunta siya.

“Nandoon pa nga ako sa sofa, nagpapa-pedicure pa ako.

“Sabi ko talaga, hindi nag-sink-in, sabi niya, ‘Hi...’ Sabi ko, ‘Uy!’”

Ano naman ang pasalubong sa kanya ni Dingdong?

“May dala siyang Magnum [ice cream bar], ‘tapos hinintay na niya akong matapos.”

Unang beses daw 'yun na nadalaw siya ni Dingdong sa taping ngCarmela.

Screen partners

Biniro naman si Marian na baka raw nagseselos na si Dingdong sa leading man niya sa teleserye na si Alden Richards, lalo pa nga’t may kissing scene na sila.

Sabi ng Kapuso actress tungkol dito, “Ang trabaho ay trabaho. Iba sa totoong buhay.

“Naku, tingnan niyo ‘yan, ha, kapag si Dong naman ang gumawa, ako naman ang magseselos. Ano ba?

“Wala na bang ibang dahilan?!” natatawang sabi pa niya.

Hindi ba magseselos si Marian dahil si Isabelle Daza naman ang leading lady ni Dingdong sa Kubot?

Sagot niya, “Bago pa naman mangyari ‘yan, alam ko naman na magkakatrabaho sila. Sinabi niya sa akin.

“May boyfriend naman si Isabelle.

“At saka, ganoon siguro. Soap opera man o pelikula, may maka-partner akong lalaki, sasabihin, nagseselos si Dong.

“May maka-partner si Dong, sasabihin, nagseselos naman ako.

“Parang, ‘Ano ba?!’

"Well, Isabelle Daza, may boyfriend ‘yan at alam nating lahat.

“Respeto na lang sa dalawang tao. Ang trabaho ay trabaho.

“Si Alden, may respeto ‘yan at alam niyang ang trabaho ay trabaho.”

Biniro naman ng entertainment press si Marian na puro “respeto” raw ang sinasabi niya.

Paliwanag niya, “Aba, 'yun naman ang importante sa industriyang ito, 'yun na ang natitira, ibigay na nila.”

Carmela

Proud naman si Marian dahil tumakbo raw ang Carmela na halos wala silang maiinit na kissing o love scenes, na kadalasang laman ng mga teleserye ngayon.

Saad niya, “Alam niyo, ito lang yatang Carmela ang wholesome.

“At isipin niyo na lang, nakatakbo kami ng 10 weeks na walang kissing scene, pero kinagat siya.”

Sa nalalapit na pagtatapos ng Carmela sa isang buwan, posible bang simulan na niya ang sitcom?

Sabi ni Marian, “Hindi sitcom ang ino-offer nila sa akin.

“Pero hindi ko pa alam, baka ma-preempt.

“Pero may isang show akong gagawin sa kanila every weekend.”

Lenten special

Ngayong Black Saturday, April 19, sa ganap na 7:30 ng gabi sa GMA, mapapanood ang Panalangin, isang special Lenten presentation na magtatampok kay Marian at sa child actress na si Angeli Nicole Sanoy.

Ani Marian, “Alam niyo, panoorin niyo 'yun, Panalangin. Iiyak kayo. Sobrang bigat.

“At saka, first time kong gawin sa Lenten na ito ang confrontation with God. Inaaway ko si God.

“Sabi ko nga, noong binasa ko ang script, naiyak ako.

“’Tapos, sabi ko kay Direk Mike [Tuviera], ‘Naku, Direk, alam ko po na umaarte ako, ganito ako, pero first time ko pong makipag-confrontation kay Lord na, Ikaw, napaka-unfair mo talaga sa buhay, bakit ako ang pinaparusahan Mo?’

“Nasa church talaga.

“’Tapos, after nun, sabi ko, ‘Naku po, Lord, sorry po talaga, acting lang po 'yun.’

“Nakonsensiya ako… ang damdamin ko talaga.

“Kaya after, ‘Lord, sorry po, sorry po talaga.’

“Tawa nang tawa sila Direk, nakikita pala ako sa monitor.

“E, kasi, after nun, nanginginig talaga ako, ‘Sorry po talaga, sorry po, Lord!’” —Pep.ph





Buy Ads Directly on this website


Subscribe To FlipBooth
Url
Twitt This Add To Facebook Add To Blinklist Add To Technorati Add To Del.icio.us Digg This Video Add To Reddit Stubmle This Video



Related Videos